Ang mga Mangyan ay trademark na ng Mindoro, parang ang mga Tamaraw din, ngunit parehong nanganganib. Ang Tamaraw ay malapit ng ma-extinct,ang mga Mangyan nangangambang madadaya ulit.
Wala pa ang mga Kastila nakatira na sa Mindoro ang mga Mangyan, indigineous matagal na panahon ng bahagi ng Mindoro. Ayon sa mga aklat ng mga historian nakatira sila sa may baybay dagat at nakikipag barter sila ng mga likas na yaman sa mga mangangalakal na Intsik. Dumating ang mga Kastila at tulad sa iba pang mga lugar kung saan sila lumanding nakakita nanaman sila ng ginto kung saan nila gusto makakita nito. Kaya Mina de Oro.
Lumipas ang panahon at unti-unti namang dumating ang mga migrante mula sa Vizayas at Luzon, kahit ano ang totoong relihyon nila tinawag na sila ng mga Mangyan na Kristyano. Nakakahiya naman. Dahil kung anu-anong pangloloko ang ginagawa, pinagpapalit para sa mga titulo ng lupa ang pagkain at mga baboy, kaya unti-unting pumasok sa loob ng mga kagubatan ang mga Mangyan, tumungo sa bundok para lang makaiwas sa gulo, dahil ayaw na ayaw ng mga Mangyan ng away. Sa kultura nila ay hindi sila confrontational.
Ngunit sinundan pa rin sila ng mga Kristyano sa bundok, ang ilan para kumuha ng torso mula sa mga kagubatan dito.(At isa pa, dahil puro mina na lang ang pinaguusapan baka nakakalimutan na ang issue ng illegal logging.) Ang iba para sa quarrying, kaya tuloy napagiisip ako kung talagang anti-mining ang mga vocal na anti o anti-Intex lang. Baka kasi hindi nabibigyan dahil hindi daw sila naglalagay.
Ang iba nais tulungan ang mga ito na makilala ang Diyos, mga missionary at wala namang masama doon. Kung piliin naman ng Mangyan ang ganun.
Ang tanong ko lang ay ganito where do you draw the line at interference? When does it become infringing on Indigenous rights? Kasi parang ang nangyayari ay starting now leave them alone.
Kung talagang hinahangad natin ang “self-determination” o ang pag dessisyon para sa sarili di ba dapat pinababayaan natin sila? Nandyan naman ang NCIP para magbigay gabay. Granted hindi lahat sa kanila ay nakapag-aral baka ma take advantage sila. Kaya nga may NCIP at kaya nga may MOA na sinusundan.
Talagang fair si God, sa daming kahirapan na pinagdaanan ng mga Mangyan, mayroon namang ginhawang darating at napakapalad ng Mindoro na ang buong lalawigan, maging ang buong Pilipinas ay makikinabang dito. Sa pamamagitan ng mga buwis na dadagdag sa kaban ng bayan na pondo para sa mga proyektong sosyal, pang kalikasan, pang-infrastructure. Etc.
Parang yung sa tribu ng mga Sheik sa Saudi. Itong mga mayayman na Saudi ang mga prince na mga bilyonaryo, ay yumaman ng dahil sa black gold--langis. Ang mga anak nila ay Harvard educated at ang mga kababayan nila ay umahon kasama nila, dahil sa likas yamang nakabaon sa ilalim ng lupa ng kanilang mga ninunuo. Sana naman di natin pabayaan na ang crab mentatlity ay maka hadlang sa pag asensong parating. Sana pagdasalan natin ang mga Mangyan na magamit ang kanilang grasya sa tamang paraan.

No comments:
Post a Comment